“I don’t want a life where she is nothing but a distant memory. Gusto kong siya ang makasama ko sa bawat tagumpay, kabiguan, saya, at lungkot ng buhay ko.”
Wanted: Superman.
Iyon ang drama ni Cherish—ang maghanap ng superhero ng buhay niya. Sa lahat ng gustong mag-apply, dalawa lang ang requirements niya.
1. Super glue: para pagdikit-dikitin uli ang pira-pirasong puso niya.
2. Water color: para pinturahan ng saya ang buhay niya.
Lahat ng sumubok, walang pumasa. Lahat kasi, kulang ng requirements na dala.
Pero parang biglang nag-immediate hiring ang puso niya.
She fell in love with a guy who could no longer apply…