Ipinahanap ang stepsister ni Ysanti na si Sunny ng rich and famous estranged father nito si Guy Lovely. Lumapit sa kanya si Atty. Justin Cortez, ang representative ni Guy Lovely. Ayon dito ay may mamanahin daw na twenty million si Sunny mula sa ama nito.
Ang stepsister niya ang tanging pag-asang nakita niya para maisalba mula sa bankruptcy ang negosyong pinaghirapang itayo ng lolo at papa niya, kaya kahit may nararamdaman na siyang kakaiba sa guwapong abogado ay binale-wala niya iyon. Hindi niya itinuro ang kinaroroonan ni Sunny. Sa halip ay kumilos siya nang sarili para mapasakanya ang malaking perang iyon.
Nakaligtas siya from bankruptcy at plano na niyang bayaran ang halagang ginamit niya na dapat sana ay para sa stepsister niya. Pero nahulog na ang loob niya kay Justin.
Kung ipagtatapat niya rito ang tungkol sa ginawa niya, siguradong ang puso niya ang magiging kabayaran sa twenty million pesos na atraso niya.