Don't ask me not to fall in love. I can't. YOU exist.
Miyembro ng akyat-bahay gang, macho dancer, gay, at kung anu-ano pa ang tingin ni Cornelia sa kanyang new and mysterious neighbor na si Paul. Jobless daw ito pero nakakaupa ng apartment, hanep pumorma, at wheels pa. Duda siya sa pagkatao nito, pero hindi iyon rason kung bakit panay ang sulyap niya rito.
Malakas ang sex appeal nito. Pero sa tingin niya ay never itong magkakagusto sa tulad niya. Kaya? Bakit panay naman yata ang pagpapa-cute nito?
Malapit na sana siyang kiligin kung hindi ito nagsalita at tinawag siyang "manang"!