“I can’t lose you. Mababaliw na ako kapag nawala ka na naman sa `kin.”
Sa unang pagtatagpo pa lang, inis na si Winona kay Alex—ang panganay na anak ng boss niya. Si Alex na yata ang pinakairesponsable, pinakamayabang, pinakamapang-asar at pinakapapansin na lalaking nakilala niya. Kaya naman hindi niya naiwasang lihim na magreklamo nang atasan siya ng kanyang boss na maging secretary slash temporary trainer ni Alex habang nagsasanay ito sa pagpapatakbo ng DOBI—ang kompanyang pinagtatrabahuhan niya.
Walang ginawa si Alex kundi ang magpasaway at pasakitin palagi ang ulo ni Winona. Wala ring ginawa ang lalaki kundi ang magpa-cute sa kanya. Ngunit dahil malaki ang utang-na-loob niya sa kanyang boss, tiniis niya ang lahat at pinilit na bale-walain ang mga pagpapapansin ng lalaki. Hanggang isang araw, naubos na ang pasensiya niya. At kasabay ng pagkaubos ng pasensiya niya ay ang pagkahulog na pala ng loob niya sa lalaki. Na-in love siya kay Alex sa kabila ng pagiging pasaway nito.
And she realized that was the biggest mistake she had ever done. Dahil hindi pala madaling mahalin ang pasaway na katulad nito.