Kakompetensiya ang tingin ni Abby kay Dylan mula pa noong mga bata pa sila. Para kasi sa kanyang mga magulang at lola, ito ang matalino at palaging magaling, samantalang siya ay hindi man lang binibigyang-pansin ng mga ito. Hindi niya maintindihan iyon gayong sampid lang ito sa pamilya nila.
Nang mamatay ang kanyang mga magulang at kay Dylan ipinamana ang pinakamalaking negosyo ng pamilya nila, she thought that was the last straw. Ginawa niya ang lahat upang hindi nito tuluyang maangkin ang lahat sa kanya.
Pero ginawa rin ni Dylan ang lahat upang ipakita sa kanya na sinsero ito sa pagdamay sa kanya at patunayan na wala itong hangad sa kayamanan niya. Nagtagumpay ito. Sa katunayan, bumalik ang pag-ibig na naramdaman niya rito noon na kung tutuusin ay hindi naman talaga nawala.
Ngunit kung kailan nagkakaintidihan na ang kanilang mga puso, saka naman niya natuklasan ang isang lihim sa kanyang pagkatao na magpapagulo uli sa sitwasyon