“Saktan mo ako, hampasin mo ako, sipain mo ako, suntukin mo ako hanggang sa gusto mo. Tatanggapin ko lahat ng iyon, huwag mo lang saktan ang puso ko.”
Kahit mag-isa lamang si Maddi sa kanyang bahay ay masasabi niyang maayos ang buhay niya. Hanggang sa isang araw, ang tahimik niyang pamumuhay ay ginulo ni Renjie Osuke, a well-known Japanese model. Pilit siya nitong pinapaalis sa bahay niya dahil ito raw ang may-ari niyon.
Ginawa niya ang lahat-lahat ng kaya niya para lang mapaalis ang hambog, mayabang, at antipatikong Hapones. Pero wala ring nangyari dahil napakatigas ng ulo nito.
Wala nang nagawa si Maddi nang ipagsiksikan ni Renjie ang sarili nito sa bahay niya. Araw-araw ay pulos sila bangayan, asaran, at pikunan. Ang tahimik niyang pamumuhay sa sarili niyang pamamahay ay nabulabog ni Renjie.
Hanggang sa isang araw ay bigla na lamang itong naging mabait sa kanya at hindi na kayang supilin ng puso niya ang kilig tuwing niyayakap at hinahalikan siya nito. Hindi nagtagal ay nahulog na ang loob niya rito. Pero agad ding napalitan iyon ng kakaibang sakit nang makita at marinig niya mismo ang katotohanang hindi totoo ang mga ipinapakita nitong pagbabago sa kanya. Kunwari lang pala ang lahat. Now, she would be much willing to give him her house kung iyon lang talaga ang makakapagpasaya rito.