Hindi ba dapat kapag mahal mo ang isang tao ay hahawakan mo siyang mabuti para hindi na siya makawala?" Unang kita pa lang ni Gale kay Julius ay attracted na siya sa binata. Pero dahil friendship lang ang kayang i-offer nito sa kanya, dinedma na lang ni Gale ang nararamdaman niya. Nakontento siya na maging shock absorber ni Julius sa mga hinaing nito sa buhay, lalo na pagdating sa mga babaeng napapaugnay rito. Until one day, Julius introduced his new girlfriend Mishel na mukhang for keeps na para sa binata. Gustong magprotesta ng puso ni Gale pero wala siyang lakas ng loob. It was because Mishel seemed to be the perfect woman for Julius. Kaya pilit na lang niyang kinalimutan ang nararamdaman at naging masaya para sa binata. Pero nang mapalapit at nanligaw sa kanya si Randyang karibal ni Julius sa negosyoay nagalit naman si Julius at pinapalayo siya sa manliligaw niya. Babaero daw si Randy at baka mapasama siya sa mga babaeng pinaglaruan lang nito. Napaisip tuloy si Gale. Iyon lang ba talaga ang dahilan? O baka naman dahil sa selos? Sana'y huwag itong paasa.