“I’m dying to have you.”
Nagka-crush si Aleiah sa guwapong kapitbahay niyang si Vince. Parang ang sarap nitong maging boyfriend. Dumating pa siya sa point na pinangarap niya itong maging asawa balang-araw. Naging maganda ang samahan nila sa kabila ng malaking pagtutol ng kanyang ate.
Ngunit isang araw ay natuklasan niya na pinasasakay lang pala siya ni Vince. Bistado na pala ng lalaki ang lihim niyang pagsinta. Ang higit na nakakahiya sa lahat, alam na pala ni Vince na iniilusyon ni Aleiah na maging misis nito.
Wala na siyang mukhang maihaharap kaya iniwasan niya ito. Pero mapilit ang binata. Okay lang daw na may gusto siya rito dahil gusto rin naman daw siya nitong maging Mrs. Vicente Alegre. Gusto na sanang lumukso ng puso ni Aleiah dahil sa tuwa. Pero sa tuwina ay naiisip niya na parang bisyo na nito na pag-trip-an siya. Paano siya maniniwala kay Vince?