Hindi naman dahilan ang igsi o tagal ng panahon kung kailan natin puwedeng sabihing gusto natin ang isang tao. Basta ang alam ko, masaya ako kapag nakikita at nakakasama ka.
Itinuring na santa ng mga bampira si Symla nang malaman nila na maaari siyang magkaanak. Dahil doon ay itinago siya ng kanyang mga kalahi. Siya raw ang pag-asa ng mga bampirang magpapatuloy ng kanilang lahi. Nauubos sila dahil sa digmaan laban sa mga lobo.
Nalaman ng mga lobo ang kanyang kapangyarihan at sa huliy naging bihag si Symla ni Amado Estacion, ang suwail na prinsipe ng mga lobo. Kailangan daw siya ni Amado dahil sa mga plano nito at kapag nakuha na ang gusto ay papatayin din siya.
Pero hindi sinasadyang nahulog ang loob niya kay Amado. Kahit anong pigil niya ay nauwi sa pagmamahal ang pagkamuhi niya dahil sa natuklasang ugali nito. Dama niya sa mga halik at haplos nito sa kanyang katawan na maaaring mabuhay ang init sa kanyang puso.
Pero isa iyong malaking kalokohan. Isa siyang bampira at isa itong lobo. Mayroon bang nagkakatuluyang nilalang na tulad nila? Isa pa, mayroong nakaatang na obligasyon ang buong angkan sa kanya. Alin ang pipiliin ni Symla? Si Amado o ang mga kalahi?