Ulol na ako kung ulol. Nakakaulol naman talaga ang magmahal. Lalo pa kung kasinlabo mong kausap ang taong mahal ko
Baliw-baliwan si Kyra sa pagkakagusto kay Nico. Kesehodang palikero ang lalaki at mababaw ang pagkatao ay wala siyang pakialam. Patay na patay siya sa binata at iyon na iyon. Pero ang walang-hanggang pag-ibig ni Kyra para sa binata ay nanguluntoy at nahalinhan ng galit pagkatapos laitin ni Nico nang bonggang-bongga ang kanyang pagkatao.
After several years, their paths crossed again. At noon nakadama si Kyra ng matinding pagnanais na gantihan si Nico sa ginawa sa kanya. Kaya naman pinilit niyang manalo sa isang auction para sa mga hunks with a cause para makasama si Nico nang isang linggo dahil isa ang binata sa mga io-auction.
Gusto lang namang ipangalandakan ni Kyra kay Nico kung ano ang pinakawalan nito, ang magsisi ang binata na hindi siya pinatulan. But her plan seems to have backfired. Dahil sa pagkakasama nila ay ibang Nico na ang nakikita niya. Upgraded version na ang binata. At ang pagtingin niya kay Nico, hindi lang yata na-reset, na-upgrade din. Mukhang katulad ng dati, wala pa ring mapapala si Kyra mula kay Nico kundi sama ng loob at sakit ng puso.