“Parang isang roller-coaster ang mundo ko kapag kasama ka. You always undo me, cripple me, and reduce me into a puddle on your feet. But you always pick me up and make it a whole lot better.”
Na-love at first sight si Chamomile kay Kei, ang may-ari ng art gallery sa tapat ng music store niya. Para sa kanya, si Kei ang prinsipeng padala ni King Elvis kaya naman nang imbitahan siya ni Kei na tumugtog sa kasal ng kaibigan nito ay mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagpayag niya.
Ipinangako ni Chamomile sa sarili na sasamantalahin na ang pagkakataon para mapalapit sa guwapong prinsipe. Subalit may humahadlang sa pagsinta niya—ang supladong best friend ni Kei na si Xanthe, na sa una pa lamang ay tila buko na ang balak niyang gawin. Bantay-sarado ito sa kanya sa pagkairita niya.
But while he was with her, he showed her a side of him that made her heart skip a beat.
Ayaw man niya, unti-unting nahulog ang loob niya kay Xanthe. Hanggang isang umaga ay nagising na lamang siyang ito na ang mahal. Inamin ni Chamomile ang damdamin para kay Xanthe subalit nagunaw ang kanyang mundo nang malaman ang tunay na dahilan kung bakit nakipaglapit sa kanya ang binata…