When people fall in love, nagiging kaligayahan nila ang taong minamahal nila. Ikaw na iyon para sa akin sa simula pa lang kaya hindi naging mahirap na mahalin ka sa isang iglap nang magkita uli tayo.
Para kay Candie, disappointment lamang ang napapala sa paghahangad ng mga bagay na hindi madaling maabot. Mahalaga sa kanya na maging realistic siya sa lahat ng pagkakataon. Hinding-hindi niya pagbubuhusan ng panahon ang paghahabol sa mga bagay na halatang hindi mapapasakanya.
Pero tila masusubukan ang katatagan ng prinsipyo niya nang sumulpot sa pag-aari niyang restaurant si MacDonnel Asaoka, the guy with exceptionally good Korean looks who had immediately captured the hearts of her employees.
Ngunit higit sa taglay nitong kaguwapuhan, mas nawindang si Candie sa inianunsiyo nito: ito raw ang childhood friend niya at nais nito na maging malapit uli sila sa isat isa gaya ng dati.
Ah, tine-testing nga yata talaga ng kapalaran ang pagtitimpi niya.
Bibigay na lang ba siya sa nakatutuksong tentasyon na ibigin si Don, o magmamatigas pa rin ang puso niya?