Masyadong perpekto, masyadong masaya. Iyon ang ikinatatakot niya. If it was too good to be true, it might not be true at all.
Tatlong bagay ang tatatak sa sino man kapag nakilala si Cassandra de Guia. Maamong mukha, mahahabang legs, at isandaan at animnapung IQ.
Napag-aralan na niya ang mga lalaki at kayang makipaglaro sa kanila. Sa paghahanap ng perpektong lalaki para sa kanya, hindi kailanman pinairal ni Cassandra ang puso bago ang utak. She always picked her men for shrewdly logical, cerebral reasons.
Hanggang sa magkrus ang mga landas nila ni Alejandro, ang lalaking tumugma sa lahat ng hinahanap niya. May isang problema langayaw ni Alejandro sa kanya. Pero tulad ng palaging nangyayari kay Cassandra, isa iyong paligsahan na balak niyang pagtagumpayan na parang isang trivia test. Kung hindi nga lang nakialam ang tanga niyang puso.