“Relax. Walang mangyayari sa atin. Yayakap lang ako.”
Kung may isang bagay man na ayaw ni Blaze na ma-experience, iyon ay ang ma-in love. Hindi niya kailangan ng karagdagang komplikasyon na posibleng idulot sa kanya ng love-love na `yan, lalo pa’t hindi naman iyon nagtatagal.
Pero mukhang may ibang plano sa kanya ang tadhana. Bigla na lang kasi siyang na-in love kay Vincent, ang nakatatandang kapatid ng best friend niyang si Ronan.
Pero nakiusap si Vincent na bigyan niya ng pagkakataon si Ronan.
Hindi puwede. Gagawin niya ang lahat kesehodang talunin niya ang San Juanico Bridge, huwag lang tanggihan ni Vincent.