“You make the word ‘forever’ sound like a promise rather than a life sentence.”
Parehong artist sina Adi at Rafi, pero iyon lang ang pagkakapareho nila.
Rafi was the king of impulsiveness. Kapag gumawa ng Google search tungkol sa salitang “impulsive,” siguradong nangunguna sa search result si Rafi, complete with picture pa. Habang si Adi naman ay reyna ng mga control freak. If it was not in her planner, it was not going to happen.
Pero parang may invisible string na humihila sa kanila para magkalapit. They simply felt drawn to each other. Hindi tuloy malaman ni Adi ang gagawin. Wala pa naman sa mga plano niya ang ma-involve sa isang tulad ni Rafi.
After all, falling in love was not in her planner. So, it was not supposed to happen, right?