“Kapag nagmahal ka, kakapit ka sa kakapiranggot na pag-asang matutumbasan ang nararamdaman mo.”
Matagal nang takot ang ama at tatlong kuya ni Joelle na baka isa siyang tomboy. Kaya laking tuwa ng mga barako sa buhay niya nang malaman ng mga ito na ninakawan siya ng halik ng isang estranghero habang naghihintay sa labas ng isang boutique. It was just for show para sa ex-girlfriend nito. Siyempre, inis na inis si Joelle.
Bigla, naging fixture na sa buhay niya si Ridge—the man who stole her first kiss. At dahil palagi silang magkasama, mabilis na na-in love si Joelle sa guwapong binata. And falling in love with him was the happiest experience she ever had.
But she later discovered that it was also the most painful thing that could happen to anyone. Nalaman niyang “planado” pala ang lahat. Nakipagkasundo lang pala si Ridge sa ama at mga kuya niya na makipaglapit sa kanya para masigurong hindi nga siya tomboy. To make matters worse, mukhang nagkabalikan pa si Ridge at ang ex nito…