“Magkakaroon ka na ng manliligaw. Ako iyon.”
Umiikot ang pang-araw-araw na buhay ni Alexandra sa paggawa ng mga imbitasyon at pagbabasa ng libro. Her life was such a bore. Tanggap niya iyon at wala naman siyang reklamo.
Pero nagbago ang lahat nang makilala niya ang bagong lipat na kapitbahay—guwapo, matipuno, matangkad. Unang kita pa lang niya sa lalaki ay literal na napanganga siya.
His name was Alexander.
Malakas ang paniniwala ni Alexandra na sila ang itinadhana. Alexander at Alexandra. Pangalan pa lang nila ay bagay na bagay na.
Pero mukhang mahirap paamuin ang lalaking ito.
Simula na yata ng challenge sa buhay niya.