“Wala akong pakialam kung kanina lang tayo nagkakilala o noong isang linggo. Basta ngayon, mas sigurado na ako. Mahal kita.”
Nasaktan nang husto si Charity nang matuklasang niloko lang siya ng kanyang boyfriend. Kaya nagpasya siyang magbakasyon muna sa Gonzaga, Cagayan.
Doon ay muling nagtagpo ang mga landas nila ni Edmund, ang lalaking nakilala naman niya sa isang kasalan. Everything happened too soon. Natuklasan na lang nila na umiibig na sila sa isa’t isa. Or so she thought.
Dahil isang araw, narinig na lang ni Charity na tinatawag ni Edmund ang isang babae na bahagi ng nakaraan nito.
Pero bakit sa kabila ng sakit na naramdaman niya ay mahal pa rin niya ito?