The moment his lips brushed hers, she forgot every reason to cry, except for too much joy. There was a promise of eternal bliss within his kisses.
Nang maloko si Ella ng isang travel agency ay napilitan siyang mamasukan bilang yaya ni Jeremy, ang amo niyang mayaman nga at guwapo, pero super-antipatiko naman. Okay lang, malaki namang magpasuweldo ito, galante pa kahit suplado. Kung ipag-shopping nga siya nito ay daig pa niya ang nagka-sugar daddy bigla. Okay na sana ang lahat kung hindi lang nahulog nang tuluyan ang puso niyang hibang dito. Ang masaklap pa ay tuluyan niyang naisuko ang sarili rito sa loob ng isang gabing pagkalimot. But reality began slapping her real hard the next morning. Ginagamit lang pala siya nito upang maitaboy nang tuluyan ang isang babaeng sunod nang sunod dito. Ayon pa rito, sex for him was just a cigarette stick; you puff it and throw its butt when you’re done with it.
Magagawa pa kayang magtiwala ng puso niyang nasaktan nito?