“I love you with all my heart. Pero napapagod din naman ang puso. At kapag napagod na iyon, napipilitan iyong sumuko.”
Wala sa hinagap ni Isis na magkakagusto siya sa isang katulad ni Buboy. There was nothing wrong with him. In fact, hunky, guwapo, mahusay sa propesyon nito, at napakasarap kasama ni Buboy. Pero bukod sa may boyfriend na siya ay may isa pang balakid na pumipigil sa kanya para patulan ito nang tuluyan: mas matanda siya rito. Sa katunayan ay naging estudyante niya ito noon sa kolehiyo.
No big deal daw iyon. Iyon ay ayon sa lalaki at sa mga kaibigan niya. Wala nga yata talagang magagawa si Isis kundi ang sundin ang pusong tumibok para dito. Lalo pa nga at napakasarap na magpaibig ni Buboy. Sa kabila ng matitinding agam-agam ni Isis, at kahit pa may ilang pagkakataon na nagkakaroon sila ng pagtatalo bunsod ng pagkakaiba ng antas ng maturity nila, ay hindi niya napigilan na pahulagpusin ang silakbo ng kanyang kalooban. Para lang matuklasan na may isa pang hadlang na maaaring hindi niya malagpasan…