His heart was beating out a wild rhythm in his chest. And he felt as though he wanted her… he wanted her more than he wanted his next breath.
Mula sa probinsiya ay sinadya ni Ara Arjanine ang Precious Ville para kunin sana ang mga pamangkin niyang nasa poder ng bayaw ng kuya niya. May problema kasi ang mga magulang ng mga bata kaya pinakiusapan siya ng kapatid niya na kung maaari ay siya muna ang mag-alaga sa mga anak nito. Ngunit nang magkaharap na sila ni Rye dela Torre, hindi ito pumayag na isama niya paalis ang mga bata. Wala tuloy siyang naging choice kundi ang tumira sa bahay nito sa ayaw at sa gusto nito para lang maalagaan niya ang mga pamangkin nila.
Her brother was right about Rye. He was a tough guy. Pasalamat ito at itinataob ng kaguwapuhan at kakisigan nito ang pagiging masungit, suplado, at tila pusong-bato nito. Pero sa kabila ng pag-uugali nitong iyon, hindi pa rin niya maitatangging gusto niya ito noon pa man. Pero paano kaya sila magkakasundo kung ang gusto niya ay taliwas sa mga gusto nito?