| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
“Can you tell your heart to stop beating? No. Kasi nga, kusang tumitibok `to. Hindi mo puwedeng sabihan na, ‘Hoy! Ano ka ba namang puso ka, mayaman `yan, off limits!”
Isa si Lee Montenegro sa mapapangaraping babae na naniniwala sa true love. Kaya nagpanggap siyang ordinaryong babae para mapatunayang walang mayaman at mahirap pagdating sa pag-ibig.
Habang nagbubuhay-mahirap ay nakilala niya si Eumer Johnson, Prince Charming personified—guwapo, mayaman, pero ubod ng sungit. Inalok siya ng binata ng trabaho bilang japeyk girlfriend sa harap ng nanay nito. Madalas man silang mag-away dahil sa magkakaibang prinsipyo sa buhay, hindi mapigilan ang puso niyang pasaway. Umibig siya sa kanyang amo.
At nakasilip naman si Lee ng pag-asa nang maramdaman niyang sa kabila ng pagkakaalam ni Eumer na isa lamang siyang anak-maralita ay natutuhan na rin siyang mahalin ng binata.
Pero nasira ang lahat ng pantasya ni Lee nang tahasang tanggihan ni Eumer ang inaalok niyang pag-ibig. Ora-orada ay tinapos ng binata ang lahat ng ugnayan nila sa isa’t isa.
Wala palang true love.