| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
“Mahal na mahal kita, mula noon hanggang ngayon.”
Mortal na magkaaway ang mga pamilya nina Yedda at Lamont. Itinuturing na malaking kasalanan ang makipaglapit o makipagngitian man lang sa sinumang miyembro ng bawat pamilya. Ngunit sadyang mapagbiro ang kapalaran. Umibig sa isa’t isa sina Yedda at Lamont. Inilihim nila ang kanilang relasyon. Batid ni Yedda na makakayanan nila ang lahat basta nagmamahalan sila ng binata.
Ngunit sa paglipas ng mga araw, natuklasan nilang mahirap din pala na palagi na lang patago ang pagtatagpo nila. May solusyong naisip si Lamont—ang magpakasal sila.
Pero paano kung sa halip na magkaayos ang kanilang mga pamilya ay lalo pang mapalala ng pagpapakasal nila ang sigalot sa pagitan ng kanilang mga pamilya? Sapat na ba ang pag-ibig nila sa isa’t isa upang malagpasan ang mga pagsubok?