Napakabata pa ni Dooney nang makilala niya si Jacobo at umibig siya sa binata. Binale-wala niya ang lahat ng babala na isang babaero ito. Inakala niyang sa kanya umiikot ang mundo nito, ngunit nagkamali siya. Kung kailan kailangang- kailangan niya ito ay saka naman siya pinabayaan nito. Bigla ay nabura ang imahe ng hinaharap na magkasama silang dalawa.
Sa mga sumunod na taon, iniwasan niya ito nang husto. Wala na siyang balak na makipagmabutihan pa rito kahit kailan. Kung maaari nga ay puputulin na niya ang anumang kaugnayan niya rito. Nakapag-move on na siya, iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili.
Pero bakit nang magdeklara itong mahal pa rin siya nito ay tila biglang na-excite ang puso niya?