“Pumayag kang maging Mrs. Magda kaya habambuhay kitang sisingilin sa mga pabor na ibibigay ko sa `yo.”
Unang kita pa lang ni Finna kay Ponci ay attracted na siya sa lalaki. Pero never siyang nagkaroon ng lakas ng loob upang magtapat dito. Hindi rin naman kasi sila close; idagdag pa na may girlfriend na ito.
Pero nang maghiwalay si Ponci at ang girlfriend nito, nakakita ng pagkakataon si Finna. Lumapit siya kay Ponci at napansin naman siya ng lalaki. Nauwi pa nga iyon sa pagpapakasal nila. Pero hindi iyon dahil sa pag-ibig. Pinakasalan lang siya ni Ponci out of guilt at para na rin sa kanyang ama na malapit nang mamatay.
Pagkatapos ng kasal, namatay ang ama ni Finna at nawala rin ang isa pang dahilan ng kanilang pagsasama. At ang magaling na lalaki, lumipad pa-Italy at sinundan ang dating nobya!
Paano na ngayon si Finna, lalo pa at ang kanyang legal husband ay nakatakda na namang… ikasal?