“Panginoon, ayoko pa pong mamatay. Gusto ko pa uling mahalikan ni Xeros…”
Gigil na gigil si Jacinta sa karakas ni Xeros. Ang unang engkwentro nila ay nauwi sa bangayang halos ikahuramentado niya. Ang kaso, nagkaatraso siya sa lalaki at kailangan daw niyang pagbayaran iyon. Handang magbayad si Jacinta ng kahit magkano sa danyos na tinamo ng sports car nitong nabangga niya.
Pero hindi raw pera ang gusto ni Xeros na ibayad niya dahil marami na raw ito niyon. Ang gusto ng lalaki ay “manilbihan” siya. Fine! Nanilbihan nga si Jacinta, pero pati ang puso niya ay gusto ring pagsilbihan si Xeros. Dahil kahit may-kayabangang taglay ay nakaka-in love naman pala ang other side nito.
Pero nalaman ni Jacinta na isang paghihiganti ang lahat. Gusto lamang pala siyang gantihan ni Xeros dahil sa mga atrasong nagawa niya. And from what she had overheard, she didn’t stand a chance. It was clear that he only took advantage of her, of her vulnerability. Masyado siyang nagpadala sa sariling emosyon. May kasintahan kasi si Xeros at maayos ang estado ng relasyon ng dalawa.
Ouch!