Hindi naging malapit si Julia sa kaklaseng si Fritz dahil madalas siya nitong asarin sa hindi malamang dahilan. Pero pagtuntong ng college, nakita niya na gentleman at maalaga pala ang binata kaya naging malapit sila sa isa't isa. At sa namumuong pagkakaibigan, hindi inasahan ni Julia na magpapahiwatig ng damdamin si Fritz. Aminado si Julia na siya man ay unti-unti nang nai-in love sa binata pero hanggang friendship lang ang kaya niyang i-offer. Dahil may ibang lalaki na matagal nang itinakda para sa kanya.