“Kung haharapin ko ang bukas na kasama ka, kaya kong i-overcome ang lahat ng takot. Mas lalamang sa takot ang pagmamahal ko sa `yo.”
Dahil sa pareho nilang pagkahumaling sa pelikulang Pulp Fiction ay nagkalapit agad ang loob nina Jane at Vincent. At kahit isang gabi pa lang na nagkakakilala ay nagpakasal agad sila. They knew that they both fell in love at first sight. Ngunit saka lang tumama kay Jane ang realidad ng padalos-dalos nilang desisyon nang nagsasama na sila ng lalaki sa iisang bubong. Kung marami silang similarities ay ganoon din karami ang differences. May mga bagay rin silang hindi napagkakasunduan, at ang pinakamalaki sa mga iyon ay ang paghahangad ni Vincent na magkaanak. Para kay Jane ay malaking hadlang iyon sa career ambition niya. Pumayag naman si Vincent at sinabing willing itong maghintay.
Ngunit may ginawa si Vincent na sa tingin ni Jane ay last straw sa kanilang pagsasama. Lihim pala itong gumagawa ng paraan para magkaanak sila. Pakiramdam ni Jane ay sinira ng asawa ang kanyang tiwala, na hindi siya nito nirespeto.
She decided to leave Vincent. But it was one decision she would regret later…