“Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong maramdaman ko na mahal mo rin ako. Sapat na ito para masabi kong ‘It’s all worth it.’ Being with you is like heaven to me.”
Best friend ni Abby si Victor—ang guwapo at sikat na basketball player sa buong campus. Pero dahil sa pagiging boyish niya ay lagi siyang itinutukso nito sa mga babae. Tuwina ay naiinis si Abby dahil sa sarili ay nasisiguro niyang babae siya. Isang patunay ang lihim na paghanga niya sa lalaki. Lingid kay Victor ay nasasaktan siya kapag nagpapa-cute siya rito at pinagtatawanan lamang siya ng binata.
Hindi na nga yata mababago ni Abby ang tingin nito sa kanya at hindi na rin niya masasabi kay Victor na higit na sa pagiging kaibigan ang gusto niya rito…