“Sa iyo umiikot ang mundo ko. Sa iyo nakasalalay ang bawat hininga ko. I am nothing without you.”
Pumunta si Chacha sa Amerika para alagaan ang kanyang ama na may sakit. Kaakibat ng desisyon niyang iyon ay ang pag-iwan din sa lalaking kanyang pinakamamahal—si Dingdong. Habang siya ay nasa ibang bansa, naging mahirap para sa kanya na kalimutan ang lalaki, lalo na’t ito ang kanyang first love. Wala siyang ibang ipinagdarasal kundi maunawaan siya at hintayin nito ang kanyang pagbabalik.
Dininig naman ng Diyos ang mga panalangin niya. Pagbalik ni Chacha ay napatunayang gaya niya, hindi pa rin kumukupas ang pag-ibig ni Dingdong sa kanya. Pero hinahadlangan na ng kanyang mga magulang ang pagmamahalan nilang dalawa. Kaya para hindi na sila mapaghiwalay ay nagpakasal sila nang wala sa oras.
Pero ganoon na lang ang gulat ni Chacha nang lapitan siya ng isang babae at sabihing inalok din ito ng kasal ni Dingdong.