“Girlfriend na kita kaya ako lang dapat ang lalaking puwedeng lumapit sa `yo. Dumikit, kumapit, at humalik, `di ba?”
Hindi inakala ni Marites na sa isang alanganing sitwasyon sila magkikita ng lalaking gugulo sa isip niya. Iniligtas siya ni Rael sa ilang pagkakataon at palagi itong to the rescue tuwing kailangan niya ng tulong. Pero hindi niya alam ang tunay na pakay ng binata sa pagdating nito sa buhay niya.
Pinigil niya ang sarili na mahulog ang loob kay Rael, ngunit hindi siya nagtagumpay. He was simply irresistible. Kaya agad na umibig si Marites sa binata. But she found out later that he came into her life to seek revenge. Sinira niya raw ang buhay ng kapatid nito. He swore, he will make her suffer, too.
Pero promise: kahit kailan ay hindi niya nakadaupang-palad ang kapatid ni Rael.