“The first time my heart skipped a beat for you was that first time I ever saw you, habang nakatayo ka sa tabi ng kuya ko, suot ang kanyang engagement ring.”
Isang linggo bago maikasal si Jeanne kay Pons—na best friend niya at siya ring lalaking ipinagkasundo sa kanya—ay namatay ito dahil sa isang aksidente. Hindi pa siya nakakabawi ay nalaman niyang ang half brother nitong si Bastian ang papalit dito sa kasal. Nataranta siya. Lalaking-lalaki si Bastian, samantalang ang kanyang namatay na best friend ay isang closet queen. Paano siya tatakas kung ang kapalit niyon ay dangal ng kanyang mga magulang?
Pero maayos naman palang kausap si Bastian. Strictly platonic lang ang magiging relasyon nila. Besides, may annulment. Kapag nakaraos sila sa kasalan, makakaraos din sila sa hiwalayan.
Ang problema, hindi napigilan ni Jeanne na ma-in love kay Bastian hindi pa man sila naikakasal. At kung kailan damang-dama na nila ang pag-ibig sa isa’t isa, saka naman natuklasang hindi talaga patay si Pons…