“Ganoon na lang `yon? Por que bilyonaryo ka at guwapo ka at mahal kita, bigla ka na lang nagdedesisyong mag-isa na magpapakasal na tayo? Ni hindi ka pa nga nagpo-propose sa akin!”
Minsan nang nasaktan si Alexander kaya mula noon, naglungga siya sa isang isla at doon namuhay nang tahimik. Pero hindi pala magtatagal iyon dahil nag-trespass sa kanyang isla si Aliana, isang journalist na gustong kumuha ng impormasyon tungkol sa kanya.
Siya kasi ang pinakabatang Filipino billionaire at isa sa mga pinakasikat na negosyante sa buong mundo. Hindi nakapagtatakang tangkain ng paparazzi na panghimasukan ang kanyang privacy.
Kaya lang, may kakaiba kay Aliana na nakakuha sa interes ni Alexander. Kaya imbes na ipapulis, hinayaan niya si Aliana na manatili sa isla at makilala siya.
Pero hindi lang pala privacy ni Alexander ang na-invade ni Aliana kundi maging ang kanyang puso. Handa siyang ibigay ang lahat dito. Akala niya, masaya na silang dalawa na magkasama sa isla. Pero hindi pala. Dahil dumating sa puntong gusto na ring bumalik ni Aliana sa dati nitong buhay. Sa buhay na wala siya.