Huwag mo na akong tuksuhin baka magkagusto ako sa iyo nang todo-todo.
Para kay Drew Alonzo, lahat ng bagay ay nabibiliif the price is right. Napapayag siyang magkaroon ng special role sa The Reality Show para mapatunayan lang ang teorya niyang iyon on national television. At ang bibilhin niya, si Melanie Adriano, ang babaeng unang kita pa lamang niya ay nabighani na siya dahil sa angking kagandahan nito.
Name your price, Melanie Adriano, alok niya.
Magkano ba ako sa palagay mo?
A hundred thousand.
No. A million.
Maybe not.
Okay. Tumalikod ito.
One million the equivalent of less than a minutes SMS income from my company. Maybe you are worth a minute Come here.
Drew was tall, dark, handsome, and filthy rich. Sa dami ng babaeng dumaan sa buhay niya, he knew exactly what he was saying. At dahil kay Melanie, napatunayan niyang tama siya. Pero na-realize din niyang ayaw niyang maging tama