“I wouldn’t want anything else than to be yours forever.”
Ang akala ni Portia, okay ang relasyon nila ni Oliver. After all, they had been in a relationship for eight years. Bukod pa roon, guwapo, mabait, maganda ang career, at loyal pa ito sa kanya. Their relationship was almost perfect. Or that’s what she thought. Because she realized that their relationship seemed to be bland and safe. Matagal na kasi sila pero parang walang plano si Oliver sa susunod na hakbang para sa kanilang relasyon. Hanggang sa tinanong niya ang lalaki kung ano nga ba ang balak nito sa buhay. Marami raw itong plano. Iyon nga lang, hindi kasama sa mga plano ni Oliver ang pakasalan siya.