“Mula nang makilala kita, ginulo mo na ang isip ko. But your presence also brings me clarity na minsan ay nawawala dahil sa gulo ng mundong kinabibilangan ko. So please, stay by my side.”
Ibinugaw si Camille ng manager niya sa isang DOM kaya tumakas siya at napasok sa isang kuwarto sa kinaroroonang hotel. Sa malas ay napagkamalan siyang magnanakaw ng napasukang guwapong lalaki na walang ibang saplot kundi isang manipis na tuwalya! Mabuti na lang, sa kabila ng pagdududa ay tinulungan siya nito. The man was Edward Pelaez, isang kapita-pitagang mayor, single at very much available. Sa pagkagulat ni Camille ay inalok siya ni Edward na magpanggap bilang girlfriend nito sa loob ng tatlong buwan. Makakatulong daw iyon sa pagtakbo nito bilang congressman. Camille accepted his offer. And Edward went out of his way to show he could be a perfect boyfriend.
Pero ano ba ang dapat patunayan ni Edward kay Camille gayong ang lahat ay kunwa-kunwarian lang?