“I know I said I’ll never fall for someone like you. But no matter how I try, there’s a lot about you that keeps me thinking of you.”
Sa kompanyang pinapasukan ni Angela ay siya na ang maituturing na pinakasikat dahil sa kanyang pangit na reputasyon. Kilala siya sa pagiging malandi, manhid, at sosyal.
At dahil sa nangyaring merging ng pinasukang kompanya ay kinailangang lumipat ng kanyang manager. Si Warren Dela Cerna ang dumating bilang pamalit. Inakala ni Angela na eepekto ang pagkasipsip niya kay Warren, ngunit lalo lang nitong pinahirap ang desperada na niyang kalagayan. Labis niyang kinaiinisan ang binata, pero nakakadama naman siya ng selos tuwing makikita niya itong may kasamang ibang babae.
Magawa kaya siyang ibigin o bigyang-pansin man lang ni Warren gayong pinagtatawanan siya at inaalipusta ng karamihan? Makikita kaya nito ang kung ano mang inililihim niya sa kabila ng kanyang pagkatao?