Nasa mga bisig na siya ng lalaking mahal niya. Hindi sa imahinasyon, kundi sa realidad.
Hanggang kailan mo ipagpipilitan sa mga taong kakilala mo na ang taong iginuhit mo ay totoo—na hindi lang basta produkto ng imahinasyon?
Na iyon ang unang “totoong tao” na umagaw ng pansin mo noong hindi ka pa nagkaka-crush sa kung sino?
Paano mo patutunayan na minsan sa buhay mo ay hindi lang sa imahinasyon nabuhay ang lalaking nagpatibok sa puso mo?
Iyan ang istorya ni Pastel… at ng lalaki sa kanyang canvass…