Marami akong ginawang rason para `wag kang mahalin, pero ayaw namang makinig ng puso ko.
Dalawa ang paboritong gawin ni Stacey Madrigalang mag-travel at mag-alaga ng mga bata. Kaya hindi na siya nagdalawang-isip na tanggapin ang trabahong pag-aalaga sa kambal na anak ng guwapong si Luis Aldivista.
Ang nais lang ni Luisna maagang nawalan ng asawaay ang makitang masaya ang kanyang mga anak. Pero mukhang kahit siya ay naaapektuhan na sa pagiging masayahin ni Stacey.
Alam ni Stacey na madali lang ang pag-aalaga sa mga bata, mas mahirap pa ngang mapangiti kahit kaunti ang may-pagkasupladong ama ng kambal. Kinuha siya ng lalaki para maging pansamantalang tagapag-alaga ng mga bata, pero habang lumilipas ang mga araw ay gusto na ni Luis na manatili siya roon bilang permanenteng tagapag-alaga ng kambal o bilang asawa nito?