Hindi mo na ako dapat pikutin, I was gonna court you anyway because I think Ive fallen in love with you. But this is cheap! Im dissapointed, PC.
Isang dream lover na naging bangungot ang fiance ni PC (Paraluman Conde). At ngayon ay kailangan niyang pagtaguan ang lalaki.
Isang ex-girlfriend naman ang nag-iwan ng two-year-old daughter sa town house ni Alejo Coronado. Kaya ngayon ay kailangang-kailangan ng lalaki ang isang yaya para sa bata.
Dahil magkatugma ang kasalukuyan nilang pangangailangan, tinanggap ni Alejo si PC na maging nanny ni Carly. Okay sana, kaso, pumasok sa eksena ang mama ni Alejo at nais ng ginang na pikutin ni PC ang kaisa-isang anak.
Pumayag naman kaya si PC?
At bakit hindi?