Hindi ko pinlanong mapadpad dito. Maybe it was fate. Or maybe it was that attachment I have with you that pulled me into this place. To finally see you. To be with you.
Bumalik sa Pilipinas si Shari dahil gusto niyang magsimula ng panibagong buhay. Kontento na siya sa ganoonmalayo sa mga kabaro ni Adan. Hanggang sa dumating ang kanyang makulit at madaldal na bagong kapitbahay, si Judd.
Hindi maikakaila ni Shari ang matinding atraksiyon na kanyang nararamdaman para sa lalaki. Pero ayaw niyang isugal ang puso, more so, ang kaligayahan ng isang taong mahalaga sa kanya. Alam ni Shari na hindi niya dapat hayaan si Judd na makapasok at maging bahagi ng kanyang buhay.
Pero mukhang imposible na iyong mangyari. Natuklasan niya kasi ang isang sekreto: the very man she had been trying to ward off was, in fact, an inevitable and irreplaceable part of her life