Natiiwa si Melody nang dumalaw sa Mafiosa Farm ang childhood crush niyang si Kid pagkatapos ng maraming taon. Ngunit nadismaya siya sa malamig na pakikitungo nito sa kanya. Tuloy ay nailang na rin siya rito.
Laking gulat niya nang isang araw ay tila nagbago ito. Bigla ay naging friendly ito at dinalaw pa siya nito sa bahay nila. Ito rin ang naging daan kung bakit makikilala na rin sa wakas ang mango pastillas niya na mga kababaryo lang niya ang nakakatikim ng masarap na lasa.
Tuloy, ang dating crush ay nauwi na ngayon sa totoong pag-ibig—lalo pa at nararamdaman niyang tila may pagtingin din ito sa kanya.
Ngunit nagulat na lang siya nang lumaon ay matuklasan niyang hindi pala ito si Kid kundi ang nakababata nitong kapatid na si Kiel!
Niloko siya nito! Paano niya patuloy na iibigin ang isang katulad ni Kiel?