Naligalig ang tahimik at perpektong buhay ni Noah nang dumating si June, ang bagong tenant sa paupahan nila.
From the moment he laid eyes on her, he knew something had changed. Pero hindi niya iyon binigyang-pansin lalo pa at pauwi na sa Pilipinas ang girlfriend niya.
Sa pagdating ng kanyang girlfriend ay mas nakilala niya ito. At bigla, nagkaroon siya ng pag-aalinlangan. Pang-long-distance relationship lang yata sila. June helped him realize that.
Na-in love si Noah kay June at pinursige niya ang dalaga nang maghiwalay sila ng kanyang ex. Akala niya ay wala nang magiging problema. Pero biglang naglaho si June. Ikakasal na pala ito sa iba.