Mula nang pumanaw ang ama ni Georgina at maiwan sa pangangalaga niya ang kanilang kompanya ay wala siyang ginawa kundi ang palaguin at pagyamanin iyon. She wanted to make her father proud wherever he was. At alam niyang sa goal na iyon ay successful siya.
At bilang isang career woman, isang responsableng lalaki rin ang gusto ni Georgina na maging partner. Pero sadyang may trip ang tadhana na mahirap maintindihan. Destiny brought Reuben into her life. Anak ito ng kaibigan ng kanyang mga magulang.
Immature si Reuben, parang walang pangarap sa buhay at puro pagpa-party lang ang alam. So his mother asked Georgina to train him, to turn him into a responsible person, and to prepare him to take over the family business.
Pumayag si Georgina. Pero may isang bagay siyang ginawa na hindi parte ng kasunduan: ang mahalin si Reuben.