Dont break the heart of the girl you love, lest it would break yours.
Prenteng-prente si Arizona sa pagsa-sunbathing nang maramdaman niyang may malamig na likido na umagos sa kanyang likod. Nang bumalikwas siya ay nakita niya ang pinakaguwapong lalaki na nakita niya sa buong buhay niya.
Hi! he greeted her with a smile.
Then her eyes caught the empty bottle of wine he was holding. Doon niya napagtagni-tagni ang pangyayari. Sinadya nitong buhusan siya ng alak para kapag nagulat siya ay bigla siyang babalikwas. Then he could take a peak on her bare breasts.
Binigyan niya ito ng uppercut at sinipa ito sa tiyan. Nahulog ito sa pool. Maniac! Maniac! sigaw pa niya. Sayang lang ang kaguwapuhan nito. Kung naiba lamang ang sitwasyon ng pagkikita nila, tiyak na nagkagusto siya rito.
Hanggang isang araw ay nalaman niyang hindi naman pala ito ang nagbuhos sa kanya ng wine. Nagi-guilty siya. Gusto niyang mag-sorry dito. At siyempre, gusto rin niyang mapalapit dito