Before he broke my heart, he made me happy. The happiestI was in my whole life.
Pagkatapos ipagpalit si Rodgine ng fianc niya sa ibang babae, tatlong bagay lang ang kanyang ginawa:
1. Nakipaghiwalay sa malanding unggoy na iyon
2. Isinanla ang engagement ring nila at ginamit ang pera sa pagpapaganda
3. Sumama sa dati niyang kaklase sa probinsiya. Nasabi ba niyang ang kaklaseng iyon ay si Slanterang pinakaguwapong lalaki sa batch nila noon?
Pinagtiyagaan ni Rodgine ang kasungitan ni Slanter dahil wala naman siyang ibang mapagtataguan. Ang nakakaloka lang, unang araw pa lang nila sa barangay nito ay pinagtsismisan na sila ng mga kapitbahay na asawa siya ng binata.
Pero ang ikinabahala niya ay ang mga babalang natanggap. Na mag-ingat daw siya sa asawa niya dahil hindi ito marunong magmahal.
Siyempre pa, hindi naniwala si Rodgine, lalot na-in love na siya kay Slanter pagkatapos siyang gawan nito ng voovoo bear para isumpa ang ex niya.
Pero minsan pala ay may katotohanan din sa mga tsismis.
Dahil noong araw na nag-I love you si Rodgine kay Slanter, hindi na ito umuwi ng bahay.