"Wala kang dapat ikahiyang aminin na type mo ako dahil sanay na naman ako na maraming strangers na nagkakagusto sa akin, eh. And mind you, Mister Whoever-You-Are, oras na aminin mo sa aking type mo ako, magkaka-bonus ka pa ng masarap na kiss."
Si Smitha Subido -- sosyal, maarte, mataas ang tingin sa sarili. Ngunit bakit bigla siyang nahibang kay Wilbur?
And before she knew it, naroroon na siya sa isang isla at nagpapaalipin dito.
"Walang magtuturing sa`yong prinsesa sa lugar na ito" saad nito. "Nobody rules in this house but me."
Mangiyak-ngiyak niyang sinunod ang bawat utos nito sukdulang masira ang kanyang mga kuko.
Subalit bakit ba niya ginagawa iyon gayong kahit anong oras ay maaari siyang bumalik sa dati niyang buhay?
At, iba na kapag ang puso ang nagdidikta...