Parang katapusan na ng maliligayang araw ni Near nang magkaroon ng isang hula sa kanya tungkol sa babaeng makakatuluyan niya sa hinaharap. At ang babaeng sinasabi sa hula ay palaban, matapang, at mas astig pa sa kanya. Hindi na sana siya maniniwala sa hula kung hindi lang siya may kakilala na parehong-pareho ng nasa hula.
Ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Gabbi—ang numero unong panira ng araw niya dahil para silang aso at pusa kung magbangayan. For goodness’ sake, Gabbi is not his type! Napakalayo nito sa mga babaeng gusto niya. Near likes girls who are game for his games—sophisticated and really... girls.
Pero bakit ganoon? Nang magkaroon siya ng pagkakataon para makasama si Gabbi ay parang nagbago ang ikot ng kanyang mundo. Kinain niya lahat ng sinabi at hindi napigilan ang sarili na mahulog kay Gabbi.