“Ikaw lang ang gusto ko. Kung hindi rin lang ikaw, ayaw ko nang magmahal pa ng iba.”
Mula pa pagkabata ay mainit na ang dugo ni Gabby kay Sid. Lagi kasi siyang nauungusan nito sa academics. Pakiramdam pa niya ay mas pinapaboran ito ng ama niya kaysa sa kanya. And to make matters worse, her father assigned him to be her secretary.
“You need me, Gabby,” sabi pa ni Sid.
Asa!
Habang-buhay na sigurong ganoon ang reaksiyon niya kay Sid. That was until he kissed her. Ang resulta, biglang hinahanap-hanap na ng mga mata niya ang presensiya ng binata. But she was the great Gabrielle Montecillo. Hindi niya hahayaan ang sariling tuluyang mahulog ang loob sa hamak niyang sekretaryo.
Sulsol ng makulit niyang puso: Ows? Is that your final answer?