“Gusto kong protektahan ka. Gusto kong alagaan ka. Pero higit sa lahat, gusto kong bigyan mo ako ng karapatan. Ngayon na.”
Papi fell in love with Dita, a woman six years his senior. Ito ang puppy love niya at summer romance. At nang i-consider ng salawahang puso niya na maging loyal, ito rin ang naging rason. Si Dita, nagliligtas ng mga nalulunod na langgam, mukhang parating galit sa universe at poster girl ng salitang irony. How can Papi not fall in love with her? But Dita broke his heart. At makalipas ang ilang taon ay nagkita silang muli at naging magkaibigan pa nga.
Until that one night when Dita decided to take irony to another level. Gusto nitong maging kaibigan si Papi and at the same time, partner-in-bed. Dahil confused at brokenhearted din sa ibang babae, pumayag naman si Papi. Iyon ay hanggang madiskubre niyang hindi lang pala ironic si Dita, she was evil, too. Naguguluhan tuloy siya sa sariling damdamin. He was starting to have genuine feelings for her. But how could he love somebody so bad?